Tagubilin ng Tagapagsalin
Maaaring may mga bahagi ng teksto na hindi maayos angmga titik o karakter, lalo na sa pahina ng pamagat.Magpalit ng font sa inyong e-book reader upangsubukang makita na maayos ang mga ito.
AURELIO TOLENTINO
MARING
Kung dapat mang busugin ang SIKMURA, ay lalo na ang PUSOat ang UTAK. Ang nobelang MARING ay napakasarap napagkain ng damdamin at ng pag-iisip.
HALAGA 40 CENT.
MARING
(DAÑGAL AT LAKAS)
ULIRANG BUHAY TAGALOG
IKATLONG PAGKALIMBAG
Kung ibig ninyong bumili ng iba’t ibang yaring damit o nobelangMaring at iba pa ay pumarito kayo sa Mercado Yanco 237 Int. Tabora,Maynila.
Ang aklat na ito ay aring tunay ng tatlong magkakapatid na Tolentino(anak) at wala sino pa mang makapagpapalimbag nito kung wala silanglubos na kapahintulutan.
Ang Tagapangasiwa,
N. HILARIO.
Sa inyó, mga kapatid kong bulaklak ng Pilipinas, sinag ng buhay,sibol ng lambing at pagibig, hiwaga ng saganang bait at banal napagtitiis, mga babaying dangal ng kalinisan sa sangkatauhan, sainyo ko ipinatutungkol itóng walang kabuluhang aklat. Maliit nalubha, palibhasa’y talagang maliit yaring pag-iisip. Gayon pa man,kung inyong nanamnamin ang pinagdaanang buhay ni Maring si Maringna diwa nitong kasaysayan, ay inaasahan kong kayo’y may kauntingkabutihang pakikinabangan. Sa munting aklat na handog ko, ay inyongmakikitang maliwanag, na ang isang babaying marangal at may malakasna kalooban, ay kahalintulad ng araw: sa kabila ng mga makakapal nadilim at maraming bagyo ng ligalig at kahirapan, ay sumisikat namaluningning, ligid ng puri, ligid ng biyaya, ligid ng lualhatingdi mahulilip.
ANG KUMATHA.